ill be 25 this sat
jan 10 1984
06.01.2009
happy new year. ill be 25 dis sat. i feel old, i
dont feel like celebrating.
ganto ako usually pag birthday ko. i feel the
opposite way than what is expected from me. ewan
ko ba. somethings bothering me...at eto na naman
ako.
umuwi ako samin for the holidays. nagbyahe ako ng
Dec 24 christmas eve, trying to make it b4 12
noche buena.10pm nasa amin nako, dumerecho nako ng
simbahan kasama ng mga pinsan ko.well, dats after
ko magmano sa papa ko, humalik sa mama ko at
sumubo ng isang platitong spaghetti. after ng
simbang gabi nako kumain ng marami.
Dec 25, maulan samin. actually maulan na daw tlaga
second week of Dec pa lang. nagkainuman kami ng
mga pinsan ko,mga tito ko and pati na rin
kapitbahay namin. everything seems fine, masaya
ang kwentuhan, may konting drama pero ok lang
naman. one thing that i noticed is ung may mga
partners ( bf/gf) and asawa ay kasama nila. sa
bahay kasi ni Lola kami nag iinuman. bigla kong
narealize, wala si Amante ng mga oras na yun. si
Amante ang aking partner, and suddenly, i feel
alone in the middle of my family. may oras na may
pinaguusapan sila and gusto kong sumigaw ng
pagkalakas lakas for them to notice me. i swear di
ako nalasing ng gabing yun kahit nalasing ang
aking katawang lupa, i swear alam at alam ko kung
ano ang nararamdaman ko..naiinsecure lng ba ako
kasi yung mga pinsan ko may family na, buntis ang
asawa or Gf, legal ang Bf...gusto kong sumigaw. i
tried to go with the flow of what is going on, i
smiled and answered their concerns..until di ko na
napigilan, naluha ako...and for the to notice my
tearswould be the worst thing on that night. so
umalis nalang ako. too bad, somebody did noticed
me..and assure me his support to whatever
decisions i made with my life. true enough hehe he
remains friendly at ginawa nya pa akong ninong sa
bunso nyang anak.
si binang ang bibong 1 year old na anak ni manoy
tony and flor. sila ang aming kapitbahay. si manoy
tony ang alaskador na nagiging anak na nila mama
and papa dahil siya na rin ang laging umaalalay sa
aking parents on our behalf. wala na rin naman
siyang magulang, malayo nman kaming dalawang anak
nila mama..so pareho lang napupunuan ang mga blank
spaces ng kanilang buhay..anyways, instant apo ang
batang si Binang. spoiled sya sa kina mama and
papa.i can see the joy in their eyes everytime
they are spoiling binang. dat little brat.
nagseselos talaga ako sa atensyon. then, came in
for the shock. Manoy tony, being the alaskador
that he is, jokingly says..
"magasawat anak kna kasi para may sariling apo na
si mama mo."
gggrrrrr
ano na naman ba ito? wat bothers me most was the
anticipation on my moms face for my reaction.
ewan.
this sat. ill be 25. i feel old. im not in the
mood to celebrate. ewan basta. bitter lang siguro
ako.
Ill be 25 this sat. pero ang eksena namin ng aking
kapatid sa bahay stays the same when we were still
kids. nagbibilangan pa din kami ng ginawa sa
bahay, kung sino ang nagwalis, kung sino ang
nagayos ng kama sa umaga, kung sino ang nag hugas
sa umaga, sa tanghali at sa gabi etc etc etc. at
one point, parang nabuhay uli ang ingay namin sa
bahay. i guess ganun na talaga kaming dalawa sa
gawaing bahay may katulong man kami or wala.
Ill be 25 this sat. pero si Papa pa din nag
nagluluto samin. di nila talaga ako mapagalaw sa
kusina sa pagluluto. kaya ngayong si Amante ay
umuuwi na sa pad ko sa gabi for dinner, wala akong
alam lutuin para saking mahal kundi ang adobong
tinuro sakin nila brian.
Ill be 25 this Sat. nagaaway pa din kami ng
kapatid ko sa channel na pinapanood. basketball
sya, MTV playlist naman ako. kapamilya sila,
kapuso ako...nothing had changed.
Ill be 25 this sat. may tentative date na para
sumakay ng barko ang aking kapatid. ako ay nasa
call center pa din. walang bilib si mama sa
trabaho ko. ayaw nya kasing nagpupyat ang kanyang
anak. or i guess di nya maintindihan ang nature ng
job namin. i cant blame her. no matter how i
explain, di nya pa din talaga maintindihan. gusto
nya magwork me for the government or anything
basta day job. ayaw ko naman kasi kahit papano
masaya ako sa work ko. i guess masaya ako sa call
center industry. depende na lang sa mga taong
nakakasalamuha ko.
ill be 25 this sat. but still, i dont feel like
celebrating. but dont get me wrong. masaya ako sa
buhay ko now. meron akong partner na mahal na
mahal ako. marami akong mga kaibigan na handang
sumuporta sakin. meron akong sariling buhay, im
the captain of my own soul..i pay for my own rent,
i pay my own bills, the clothes im wearing, i food
im eating, galing sa sariling kong bulsa. i guess
may napatunayan na ako. ito yung kayang kaya kong
mabuhay ng mag isa financially..but
emotionally...? no, dats anoder thing.
im a strong person. God loves me more than i
deserve. marami akong dapat ipagpasalamat. ang
aking nagiisang kapatid. ang aking mga magulang.
and yes..ang lahat na nagpapasaya sakin.
its 2009. yes another year, a new chapter. and i
guess, its more than enough reason for me to say
Im lucky ill be 25 this sat.
![]()
Posted by umbre 11:54 PM Archived in Family Travel | Philippines








happy birthday! and remember, don't sweat the small stuff!
07.01.2009 by callboi